Mga Post

SA TABI NG DAGAT

This famous Tagalog love poem was written by Ildefonso Santos in 1897.     SA TABI NG DAGAT   Marahang-marahang manaog ka, Irog, at kata’y lalakad, maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari’y kinuyom na rosas! Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, nguni’t walang ingay, hangganq sa sumapit sa tiping buhangin… Pagdating sa tubig, mapapaurong kang parang nanginigmi, gaganyakin kata sa nangaroroong mga lamang-lati: doon ay may tahong, talaba’t halaang kabigha-bighani, hindi kaya natinmapuno ang buslo bago tumanghali? Pagdadapit-hapon kata’y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw… Talagang ganoon: Sa dagat man, irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan...

A Filipino Dream - My Spirit

A Filipino Dream - My Spirit which was written by poet Lei Strauss .   A Filipino Dream - My Spirit   I have a Filipino dream! Stop the war and wild loud of scream I have a dream not for myself. Not a selfish man who thinks of himself. I have a Filipino dream! Cease the pain of a poor at the stream. Three stars are united as one. My dreams and love are bounded as one. I have a Filipino dream! Be the best in our craft and one of the prim. Eight rays of sun symbolize hope. Filipinos will rise and reach the peak of slope. I have a Filipino dream! Rapidly admired coz we’re now the cream. I have a dream for my one country land. An endless peace and success for my one true land.     https://www.poetrysoup.com/poem/a_filipino_dream___my_spirit_645256  

OFW - Overseas Filipino Workers

OFW - Overseas Filipino Workers which was written by poet Jonathan Medida.                                  OFW - Overseas Filipino Workers   Oh If Double You What can you do? Your salary is coming Time to pay the due You're away from home In a country not your own Sacrifices are done Just to take money home Your hard earned money Is a sweet jar of honey Made kins so happy Leaving you almost empty Then they call you a hero But the help is almost zero Better go back to your barrio And plant corn and potato.   https://www.poetrysoup.com/poem/ofw___overseas_filipino_workers_473175

ANG KANYANG MGA MATA

This short Tagalog poem was written by Clodualdo del Mundo. It was inspired by the Japanese haiku form. ANG KANYANG MGA MATA Dalawang bituing   kumikislap-kislap    sa gitna   ng dilim. . .   Tambal ng aliw   na sasayaw-sayaw   sa tuwing ako’y   naninimdim. . .   Bukang-liwayway ng isang pagsintang    walang maliw! Takipsilim   ng isang pusong    di magtataksil! https://www.tagaloglang.com/short-tagalog-love-poem/

DAHIL SA PAG-IBIG

This Tagalog love poem was written by Iñigo Ed. Regalado.     DAHIL SA PAG-IBIG  KAHAPON… Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan ang inihahandog ng lahat ng bagay, pati ng mabangong mga bulaklakan ay putos ng luksa at pugad ng panglaw; akala ko tuloy itong Daigdigan ay isang mallit na libingan lamang. Mangyari, Kahapon ang dulot mo’y lason. NGAYON… Sa mga mata ko ay pawang ligaya ang inihahandog ng bawa’t makita, pati ng libingang malayo’t ulila wari’y halamanang pugad ng ginhawa; sa aking akala’y tila maliit pa itong Daigdigan sa aking panata. Papaano, Ngayo’y nagwagi ang layon. BUKAS… Sino baga kaya ang makatatatap ng magiging guhit nitong ating palad? Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat na inaamihan at hinahabagat; itong Daigdigan ay isang palanas na nabibinhian ng lungkot at galak. Bukas! Ang pag-asa’y mahirap mataya… https://www.tagaloglang.com/poem-because-of-love/  

SA PAMILIHAN NG PUSO

Written by the Filipino master poet Jose Corazon de Jesus, this Tagalog poem is replete with deep meaning and insights. Its title can be translated into English as “In the Marketplace of Love.”   SA PAMILIHAN NG PUSO Huwag kang iibig nang dahil sa pilak pilak ay may pakpak dagling lumilipad pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap. Huwag kang iibig nang dahil sa ganda ganda’y nagbabawa kapag tumanda na ang lahat sa mundo’y sadyang nag-iiba. Huwag kang iibig sa dangal ng irog kung ano ang tayog siya ring kalabog walang taong hindi sa hukay nahulog. Huwag kang iibig dahilan sa nasang maging masagana sa aliw at tuwa pagkat ang pag-ibig ay di nadadaya… Kung ikaw’y iibig ay yaong gusto mo at mahal sa iyo kahit siya’y ano, pusong-puso lainang ang gawin mong dulo. Kung ikàw’y masawi’y sawi kang talaga ikaw na suminta ang siyang magbata; kung maging mapalad, higit ka sa iba. Sa itong pag-ibig ay lako ng puso di upang magtubo kaya sumusuyo pag-ibig ay hu...

MAY MGA TUGTUGING HINDI KO MALIMOT

This Tagalog poem was written in the early 20th century by the prolific Filipino poet Jose Corazon de Jesus. MAY MGA TUGTUGING HINDI KO MALIMOT O may mga tugtog na nagsasalita, malungkot na boses ng nagdaralita; pasa-bahay ka na ay nagugunita’t parang naririnig saanman magsadya. Langitngit ng isang kaluluwang sawi, panaghoy ng pusong nasa pagkalungi; laging naririnig sa bawat sandali ang lungkot ng tugtog na mapawi’y hindi. Ikaw baga’y daing ng nakaligtaan? Ikaw baga’y hibik ng pinagtaksilan? Matutulog ako sa gabing kadimlan ay umuukilkil hanggang panagimpan. Oo, mayr’ong tugtog iyang mga b’yoling tila sumusugat sa ating panimdim; bawat isang tao’y may lihim na daing, pinakakatawan sa b’yoling may lagim. Sa lahat ng gabi sa aking pag-uwi, kung ako’y hapo na na makitunggali, ang bawat tugtugi’y kalulwa ng sawi ako’y dinadalaw sa bawat sandali. May isang tugtuging hindi ko malimot, kinakanta-kanta sa sariling loob; hiniram sa hangin ang lambing at lamyo...